"Salamat Po!" by Russel Molina | A Christmas Special
VIEW EVENT DETAILSVirtual storytelling with The Storytelling Project
Kay raming mga bagay na nagbibigay halaga sa isang araw at nagdadala ng ganda, saya, at buhay dito. Sa kuwentong ito, na isinulat ni Russell Molina at iginuhit ni Tokwa Peñaflorida, makikita natin ang mga iba't ibang bagay, maliit at malaki, mula sa tiktilaok sa umaga hanggang sa kislap ng mga tala sa gabi, na bumubuo sa simpleng araw ng pasasalamat at pagmamahal ng isang bata.
Handog ng Asia Society Philippines at The Storytelling Project para sa araw ng Pasko ang "Salamat po!" na isasalaysay sa atin ni Ma'am C.
Kami po ay bumabati sa inyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Para sa iba pang mga e-stories ng Asia Society Philippines at The Storytelling Project, i-click ang link: https://asiasociety.org/philippines/e-storytelling-project